Post by pinkalou on Nov 12, 2005 10:15:18 GMT 7
Imposibleng krimen
Mula sa nakakakagod na paghahanap ng malilipatang bahay, dumiretso ako sa aking tahanan at nanood nang TV. Pagkatapos kong mamangha sa nakakabilib na "mind reading tricks" ni Erik Mana na sobrang freaky, pinasya kong ipag-patuloy ang panonood haggang sa paggabing pag-uulat ng balita. Paulit- ulit nilang ipinakita kung paano diumano'y nagtanim ( hindi ganon malinaw yung video pero ayon sa mga galaw ng mga pulis at mga kuha pagkatapos ng pangyayari, makikita mo na ang pagkakaiba ng naunang video at yung pang "press release" na kuha) ng mga ebidensya ( kung totoo man ito, pwede na silang mag sideline bilang mga "farmers").
Pagkatapos ay ininterbyu ang pusturang-pusturang si Sec. of Justice Gonzales at tinanong siya ng media, " Sir gaano katotoo na binaril pa po nang mga pulis ang mga suspect kahit patay na?"
Anupat sumagot ang ating sekretaryo upang ipagtanggol ang ating kapulisan at sinabing, "blah blah blah.. Assuming, patay na nga nung binaril ang suspek, e ano naman ang krimen nila? WALA."
Tumigil ang mundo ko ng makailang saglit at habang umiikot- ikot ang aking paningin sa aking narinig, ulaalingawngaw ang kanyang tinig sa aking ulirat at paulit-lit na nagsasabing, " WALANG KRIMEN, WALANG KRIMEN, WALANG KRIMEN, WALa WAla, Wala, wala..."
Ngunit pilit nilalaabanan ng aking isip na nagsasabing " MERON, MERON, MERON."
Paanong nangyaring ang pinakamataas na opisyal sa departamento ng hustiya ay magkakamali sa napakaordinaryong bagay para sa isang tinuturing na isa sa pinkamagaling na abogado ng bansa? Ulyanin na kaya siya? Media pressure? May itanatago? O simpleng pagkakamali? Ang tunay na dahilan ay hindi ko alam.
Mat'yagang kong inalisa ang bawat pangyayari, at sa aking pagkadismaya, nagkamali ang ating kagalang-galang na sekretaryo sa kanyang pahayag.
MERON pong krimen nagawa ang atinkg kapulisan na hinihinalang bumaril sa di'umano'y patay ng suspek.
Marahil, marami sa atin ay sasang-ayon na ito ang unang kirmen na matutunan natin sa pag-aaral ng Criminal law. Eto na tinatawag na "Impossible Crime" na sinasaad sa ika-apat na artikulo ng Revised Penal Code na nasasaad sa salitang Ingles at sinasaad na "A criminal liability shall be incurred xxx 2. By any person performing an act which would be an offense against persons or property, were it not for the inherent impossibility of its accomplishment or an account of the employment of inadequate or ineffectual means."
Bagamat hindi nabanggit ng naturang artikulo na ito yung tinatawag na impossible Crime, hindi lingid sa kaalaman ng bawat abugado, huwes at mag-aaral ng batas kahit nasa unang baitang pa lamang na ito ay an naturang nabanggit. Sa katunayan Nasasaad din sa naturang batas ang parusa para naturang krimen na naisulat naman sa ika-59 na artikulo at nagsasabing, "When the person intending to commit an offense has already performed the acts for the execution of the same but nevertheless the crime was not produced by reason of the fact that the act intended was by its nature one of impossible accomplishment or because the means employed by such person are essentially inadequate to produce the result desired by him, the court, having in mind the social danger and the degree of criminality shown by the offender, shall impose upon him the penalty of arresto mayor or a fine from 200 to 500 pesos." (Note: Aresto mayor ay parusang pagkabillanggo mula isang buwan hanggang anim na buwan."
Malinaw ang nakasaad sa ating batas. Nagkasala nga ba ang mga pinaghihinalaan pulis kung totoo man ang paratang sa kanila? OO, mayroong silang pagkakasala sa batas. Nung binaril nila (kung sakali man) ang mga suspek kahit sila ay patay na, ang krimen nila ay murder o homicide kung sila ay nabubuhay na. Ngunit imposible mo nang patayin ang tao kung patay na siya, kahit ilang bala pa ang tumagos sa ulo nya. Hindi rin natin silang pwedeng paratangan ng murder o homicide dahil isa sa napakahalagang elemento ng krimen na nabanngit ay buhay pa ang biktima habang sinasagawa ang krimen ng pagpatay. Sabi ko nga, imposibleng patayin ang tao kapag patay na. Hindi ba?
Sa kabila ng pagiging imposible ng krimeng ito, minarapat ng ating legistura na patawan ang ganitong klase ng kakaibang krimen upang maiwasan ang kabuktutan ng pag-iisip ng akusado at upang pigilan ang pangyayari katulad ng ating isyu ngayon para sa mas maayos na pamumuhay sa ating pamanyanan.
Napaisip ako pagkatapos ng lahat at nasabi ko sa aking sarili, " Naku, tara na, kailangan ko ng magmadali, mag-aral ng mabuti, at nang makapagtapos na. Kailangan ko ng maging abogado dahil tumatanda na ang ilan sa tagapagtaggol ng ating pamahalaan at nagiging malimit na rin kanilang pagkakamali. Kaya't magmamadali na ko,dahil kailangan ko ng maging abogado para mapalitan ko na sila. Kawawa naman ang aking kababayan, mananatili na lang sa kamangmangan."
Klasmeyt, sasama ka ba?